Ryzza Mae Dizon Nagbigay Ng Mensahe Kay Bossing Sa Gitna Ng Isyung Tatanggalin Siya Sa Eat Bulaga!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng mensahe ang child host ng Eat Bulaga na si Ryzza Mae Dizon para kay Bossing Vic Sotto na nagdiriwang ng kaarawan nitong April 28, 2023.


Ipinahayag ni Ryzza Mae sa kanyang mensahe ang kanyang pagmamahal kay Vic Sotto na naging tatay-tatayan niya sa show.


Matatandaan na mula noong 2012, kabilang na si Ryzza Mae Dizon ng longest running show ng Pilipinas na Eat Bulaga.


“Happy happy birthday po Bossing!! Thank you po sa lahat lahat! More birthdays, happiness, good health, and blessings po sainyo ♥️ We love you po bossing! God bless you more po Mwah mwah tsup tsup!” pahayag ni Ryzza.


Agad namang umani ng samu't-saaring reaksyon at komento mula sa mga netizens ang nasabing mensahe ni Ryzza lalo na't nauna rito ang rebelasyon na ninanais ng mga Jalosjos na maalis si Ryzza sa Eat Bulaga.


Matatandaan na kamakailan lamang ay isiniwalat ni Tito Sotto na nais ng mga Jalosjos na palitan si Ryzza Mae ng ibang bata mula sa Dipolog.


Hindi naman umano sila sang-ayun sa pagpapaalis kay Ryzza dahil gamay na nito ang show at sa tagal na nilang nagsasama.


Dagdag pa ni Tito Sotto, maari namang magdagdag ng isang bata ang mga Jalosjos at matutulungan pa umano ito ni Ryzza Mae para sumikat.


Marami naman ang nagulat sa desisyon ng TAPE na tanggalin si Ryzza Mae gayung napakagaling naman nito at nabigyan pa ng sariling talkshow noon na pre-program ng Eat Bulaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo