Bawal Judgemental Segment Ng Eat Bulaga Ipapatanggal Ng Mga Jalosjos!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi pa rin natatapos ang paglalabas ng mga saloobin ni Tito Sotto laban sa mga panibagong executives ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE Inc.) lalo na sa bagong chairman nito na si Romeo Jalosjos.


Sa panayam ni Cristy Fermin kay Tito Sotto, isiniwalat ng huli ang pagpapatanggal umano ng mga Jalosjos sa Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga.'


Agad naman umano niyang tinanong sa mga ito kung ano ang balak nila at kung bakit kinailangan tanggalin ang Bawal Judgemental segment ng Eat Bulaga.


Subalit ang isinagot lamang umano nito sa kanya ay napaboboringan umano siya sa Bawal Judgemental.


“Gusto raw palitan ‘yung Bawal Judgmental. Tinanong ko, bakit? Kasi daw ‘he’s bored’,” pagsisiwalat ni Tito Sotto.


Hindi naman napigil ni Manay Cristy ang sarili at napatanong kung bakit tatanggalin ang Bawal Ang Judgemental segment gayung sikat naman ito at maituturing ding educational.


Sinigundahan naman ito ni Tito Sotto at sinabing hindi naman boring ang nasabing segment at ipinunto pang may natutunan naman mula rito.


“Sa Bawal Judgmental, marami kang matututunan, marami kang natutulungan.”


Matatandaang ilang beses nang nagtrending sa social media ang nasabing segment ng Eat Bulaga dahil sa kwentong ibinahagi ng mga contestant nito.


Marami rin sa mga netizens ang nagpahayag ng pagkadismaya sa napapabalitang plano ng mga Jalosjos, sinabing marami silang natutunan sa Bawal ang Judgemental.


Ang Bawal Judgmental ay itinuring na isa sa mga pinaka-emosyonal na segment ng Eat Bulaga, hindi lamang ito nagkakapagpatawa kundi napapakinggan din ang ilang mga kwento ng buhay ng mga contestants.


Samantala, hindi pa kinukumpirma ni Jalosjos ang mga pahayag ni Tito Sotto.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo