McCoy de Leon At Elisse Joson Nagbabalak Na Magkaroon Ng Panibagong Anak!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Inamin na ng aktres na si Elisse Joson na muli silang nagkabalikan ng kanyang partner na si McCoy De Leon matapos aminin ng huli na nagkahiwalay sila noong huling bahagi ng nakaraang taon.


Inamin rin ni Elisse Joson na wala pa silang balak na magpakasal ni McCoy subalit handa na silang magkaroon ng pangalawang anak.


“We’re happy. I think in any kind of relationship, you’re gonna have to stumble on a few roadblocks. And marami pang dadating na mas mahirap sa’min. So, I think we’re happy na,” pahayag pa ni Elisse.


“Araw-araw, ipinapakita naman niya that what we have is worth it. Bukod sa schedules namin, it’s a joint effort in keeping the family alive and together. Kasi it’s an effort between two people,” dagdag pa ng aktres.


Para kay Elisse mas naging solid at mas naging matatag na umano ang kanilang relasyon ngayon ni McCoy matapos ng kanilang pinagdadaanan.


“Even though we’re both blessed to have work, mas pina-prioritize po namin ang needs ng family which are everyday expenses, stable place to stay, stable family, and stable relationship with each other.” 


Matatandaan na labis na ikinalungkot ng mga tagahanga nina McCoy De Leon at Elisse Joson ang balitang naghiwalay na sila.


Unang lumabas ang balitang naghiwalay na silang ng mapansin ang pananahimik ng dalawa sa kanilang social media account. Humakot rin ng atensyon ang ilang cryptic post na ibinahagi ng aktor.


Isa pa sa mga nagpapatibay spekulasyon ng hiwalayan ng dalawa ay ang pagkakalink kay McCoy sa isang social media personality na nakilala sa huli bilang si Mary Joy Santiago.


May kumakalat pang chat conversation kung saan inamin ng babae ang  relasyon nila ng aktor subalit ipinagdidiinan niyang hiwalay na umano sina McCoy at Elisse bago siya pumasok sa eksena.


Sa kabilang banda, sa inilabas na statement ni McCoy, inamin niyang naghiwalay nga sila ni Elisse dahil sa ilang personal na dahilan, subalit nilinaw niyang hindi sila magkarelasyon ni Mary Joy Santiago at walang third party na naganap sa kanilang relasyon.


Sina McCoy De Leon at Elisse Joson ay may isang anak na si Baby Felize.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo