Rendon Labador, Sinabing Magtrabaho Na Lamang Ng Mabuti Para Ma-Afford Ang Rice Nila!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Agad na rumesbak si Rendon Labador sa mga taong nagrereklamong napakamahal ng isang order ng rice na binibenta sa kanilang resto.


Ayon kay Rendon, kaya mahal ang nasabing rice dahil isa itong "motivational rice" sa kadahilanang magsisilbi itong motivation para magsikap ang mga taong namamahalan dito at nais na kumain sa kanilang resto.


Wala rin umano siyang intensyon na maka-discriminate bagkus isa umano itong wake up call sa lahat na kailangan nilang taasan ang kanilang standards sa buhay.


Naging usap-usapan na sa katatapos lamang na re-opening ng restobar ni Rendon Labador ang pagrereklamo ng ilang netizens dahil sa mahal na order nito.


“THE MOTIVATIONAL RICE” Mindset ng karamihang pinoy, kung hindi mo afford gagawa ka nalang ng mga excuses sa buhay at isisisi sa ibang tao ang failure mo."


Gusto ninyo isinusubo nalang lahat sa inyo ang tagumpay. LUMABAN KA at pilitin mong umangat sa buhay para yung MAHAL sayo ngayon ay maging MURA balang araw. Again, this is not to discriminate but a wake up call para itaas mo ang standards mo! Gamitin mong MOTIVATION yan!!!"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo