Maine Mendoza Babay Na Sa Eat Bulaga! Sino Ang Papalit?

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


Sa kamakailang episode ng programa ni Manay Cristy Fermin, inilahad niyang may lumabas na balitang hindi na papaalisin ng mga Jalosjos na panibagong executives ng TAPE ang TVJ.


Ayon kay Cristy Fermin, isa sa kanyang mga source ang nagkumpirma hindi na aalisin ng mga Jalosjos ang TVJ sa Eat Bulaga.


“Mayroong kwento sa isang kampo na hindi raw po aalis ang Tito, Vic and Joey (TVJ) sa Eat Bulaga. Wala raw pong matatanggal sa mga host,” pagbabahagi ni Cristy Fermin.


Gayunpaman, tuloy pa rin umano ang pag-alis ni Maine Mendoza bilang host ng Eat Bulaga upang pagtuunan ang panibagong yugto ng buhay kasama ni Arjo Atayde.


“Pero may isa na sinasabing mawawala. Confirmed na raw, si Maine Mendoza. At alam naman natin ang dahilan, noon pa man sinasabi niya na ito ay bilang preparasyon sa kanyang pag-iisang dibdib naman ni Congressman Arjo Atayde” pagpapatuloy pa ni Cristy Fermin.


Maging ang sitcom ni Maine Mendoza kasama si Vic Sotto ay last taping na rin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo