Pokwang Aminadong Hindi Pa Rin Nakaka-Move On Sa Hiwalayan Nila Ni Lee O'Brian!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang matapang na pag-amin ni Pokwang na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tuluyang nakakamove on sa hiwalayan nila ng dating kinakasama na si Lee O'Brian.


Naging guest kamakailan si Pokwang sa Youtube vlog ni Bea Alonzo kung saan sumalang siya sa isang legit lie detector test.


Isa sa mga naitanong sa kanyang ni Bea Alonzo ay kung may bitterness pa ba siyang nararamdaman sa paghihiwalay nila ni Lee.


"May bitterness ba sa puso mo dahil sa nangyari sa inyo ni Lee?" tanong ni Bea,


Agad namang umamin si Pokwang na may bitterness pa rin siyang naramdaman ngayon.


"Marami," pag-amin ni Pokwang.


"Wala kasing nanay na gustong masira ang pamilya, walang nanay na gustong magkawatak-watak kayo. Siguro yung nangyari sa amin, yung bugso ng galit ko... Well yung isa pa kasing ano yung culture."


"Ang akin kasi, tayo kasing mga Pilipino, hihimasin pa, baka sakaling pwede pa maayos. Sa kanila pala, hindi ganun. Ganun pala sa kanila. Kung alam ko lang."


Inamin rin ni Pokwang na hindi pa rin siya totally na nakamove-on sa nangyari sa kanila ni Lee.


"Hindi pa, ganito yan, Bey. Madaling sabihin na, 'Hoy! Ang bitter mo, mag-move on ka na.' Ang daling sabihin nun kasi hindi kayo ang nakakaranas. Ang bawat sugat, lalo kung malalim?"


"Hindi tinakpan mo lang ng band-aid, gagaling na. It will heal slowly. Kaya ako sumisigaw ngayon kasi mahapdi, pag hindi na ako sumigaw, wala na yun."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo