Netizes May Napansin Sa Ginawa Ni James Reid Kay Issa Pressman, Habang Sila Ay Nasa Singapore!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Jerome

 


Ngayong araw ng Huwebes April 27, ay maogong na pinag-uusapan sa social media ang mga kumakalat na mga larawan nina James at girlfriend nitong si Issa Pressman.


Ang mga kumalat na mga larawan nina James at Issa ay kuha sa Singapore, habang sila ay namamasyal at nagsha-shopping.


Normal lang naman sana daw sa magkasintahan ang makikita sa mga larawan.


Ngunit may napansin ang mga netizens, sa mga ikinilos ni James, habang kasamang namamasyal ang kasintahang si Issa Pressman.


Tila ibang-iba raw ang pagtrato ni James sa nobya nito ngayon, na si Issa.


Napakasweet nitong tingnan at napaka gentleman pa, at kung hindi man sila parating magkasabay o magkatabi, ay madalas niya itong pinapauna kapag sila ay naglalakad.


Na palatandaan ng pagiging isang gentleman, ika nga ng ilan ay true love na nga daw ang nararamdaman ni James para kay Issa.


Dahil sa sobrang proud siya na ipakita sa publiko ang kanilang relasyon.


Ngunit tila, hindi naman maiiwasan na ikumpara ng ibang mga netizens ang pagtrato ni James sa nobya niyang si Issa ngayon.


Kumpara naman sa pagtrato niya sa dating kasintahang si Nadine Lustre noon.


Mayroon kasing nagkomento na palagi daw kasing iniiwan ni James si Nadine noon. Kapag sila ay nagsho-shopping din.


Sabi sa komento, "Mas showy si James at mas gentleman kay Issa, than when he was with Nadine, na lage niyang iniiwan at ginagawang tagabitbit ng mga pinagshoppingan nila."


Bukod naman rito ay marami ang mga nagsasabi na tila sinadya ang mga pagkuha ng mga larawan nila na kumakalat online.


Dahil tila kasama lang daw nila ang kumuha sa mga kumakalat na larawan nina Issa at James.


Samantala marami naman ang mga nagpahayag ng tuwa, dahil pareho na daw masaya ngayon sina Nadine at James, sa piling ng kanikanilang bagong pag-ibig.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo