Bea Alonzo at Alden Richards Nag Away,Kaya Hindi Natuloy Ang Pelikula?

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Jerome

 


Actress vlogger na si Bea Alonzo at actor na si Alden Richards mayroon daw hindi pagkakaunawaan, kaya hindi natuloy ang kanilang pelikula.


Marami nga ngayong kumalat na balita tungkol sa hindi pagkakatuloy ng pelikula nina Alden at Bea.


Pinag-usapan din ang dalawang kapuso star na ito sa YouTube channel ni Cristy Fermin ang programa niyang Showbiz Now Na.


Tanong ng kolumnista, kung nagkaroon ba raw ng problema sina Bea Alonzo at Alden Richards sa kanila sanang gagawing serye.


Matatandaang una ng pinag-usapan noon ang pagbibidahan nila sa Philippines Adaptation ng Korean Movie na "A Moment To Remember" bago pa ang opisyal na paglipat ni Bea sa GMA network.


Nag-ugat raw kasi ang balitang ito, ng may lumabas na blind item, kung saan maydalawa raw na kilalang personalidad na ayaw ng makatrabaho ang isa't-isa.


Kaya naman marami ang nagduda at nag-isip na baka raw sina Bea at Alden ang tinutukoy rito.


Kalat na kalat na kasi na kaya raw hindi na tuloy ang project na ito, para kay Alden at Bea ay, dahil sa nagkaroon daw ng hindi pagkakaintindihan, at ugali raw ng isa dito ang siyang dahilan.


Ayon nga sa kolumnistang si Cristy Fermin ay hindi pa nga tampuhan ang ginamit na termino, kundi ugali o attitude o behavioral problem.


Napatanong pa si Cristy sa kanyang kasama sa show, kung sino raw sa dalawa ang may attitude, at sinagot nga ito ni Windel.


Sabi nito, "Palagay ko si Bea, kasi alam naman natin na may dugo siyang foreigner diba!"


"Alam mo naman kung minsan, kung may gugo kang ibang lahi, parang lumalabas sa dugo mo yan, kung anu ang pinaka-ugali mo noon lumalabas."


Ngunit pakiramdam naman ni Cristy Fermin ay, Fake news daw ito at alibay lamang sa tunay na rason, kung bakit ngaba hindi natuloy ang nasabing project.


Kasi nga, basi sa kanyang personal na pagkakakilala sa dalawa ay pareho silang mabait at maayos makisama sa kanilang mga nakakatrabaho.





 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo