Cristine Reyes Ipinagmalaki Si Marco Gumabao Matapos Sabihing Ang Bata Pa Ni Marco!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Jerome

 


Nagsalita ng ang bagong celebrity couple na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao, tungkol  sa naging pahayag ng actress noong taong 2019, sa jojowain o totropahin challenge sa "Tonight with Boy Abunda."


Matapos nga ang mga rebelasyon sa kanilang relasyon, ay muling pinag-usapan sa social media ang pahayag noon ni Cristine, na pangtropa lang niya si Marco Gumabao.


Dahil bata para ito at magmumuka lang daw siyang Cougar o matandang sexy.


Ang Cougar ay isang slang term para sa isang babae na naghahanap ng romantiko o sekswal na relasyon sa mga mas nakababatang lalaki, babae o pareho.


Sabi ni Cristine noon, "We're friends, Ang bata pa ni Marco."


Kaya naman sa Instagram story ni Cristine ay binago na niya ang caption sa post ni Marco na may caption na,"You are my home and my adventure all at once ❤️😘"


Napinalitan niya ngayon ng "Definitely not tropa anymore. #HOME."


Maging si Marco ay nirepost din ang post ng actress sa kanyang Instagram story. Caption nito, "Hindi na couga....hindi ko na itutuloy."😆


Mapapansin nga sa pagrepost na ito, ni Marco na tila tinutukso pa niya si Cristine.


Dagdag pa dito ay ibinahagi din ni Cristine sa kanyang social media account ang mga larawan nila ni Marco, na kuha sa dinalohan nilang kasalan.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo