Nagpakilalang Anak Ni Richard Yap, Hinamon Ang Aktor Ng DNA Test!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


Hinamon ng isang lalaking nag-claim na illegitimate son ni Richard Yap ang aktor na magpa-DNA test para malaman ng publiko ang katotohanan.


Matatandaang ilang beses nang kinausap ng nagpapakilalang si Joshua Jensen, na residente ng Cavite, si Richard Yap na kilalanin siyang anak nito. Ipinahayag pa ni Joshua na handa siyang magpa-DNA test sa actor.



Gayunpaman, tinanggihan ni Richard Yap ang hamon na ito  mula kay Joshua, sinabi niya na hahayaan na lamang niya ang mga abogado na magtrabaho sa kaso.


“I think it is for our lawyers to talk about that. If I accept (the challenge), that means that we are guilty or we think that there is a chance, but there is really none. Why should I agree to what they want?” pahayag ni Richard Yap.


Ipinalabas pa niya na ginagamit lamang siya ng Joshua Jensen na ito para sa North District Congressional post sa Cebu City.


Samantala sa isang interview sinabi ni Joshua Jensen na una niyang nalaman ang totoong relasyon nila ni Richard Yap noong siya ay 10 years old pa lamang.


Itinanggi naman niya na pera ang kanyang hinahabol sa aktor na pilit naman siyang itinatanggi.


“Wala naman po akong masamang intensyon, nabuhay po akong mag-isa so kung pera lang [ang habol ko] mali po yung sinasabi nila. Kung sustentuhan niya ako, karapatan ko po yun, deserve ko po yun na sustentuhan niya.”


“Magpa-DNA tayo, humarap ka, harapin mo kami, patunayan mo talaga na isa kang tunay na lalaki.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo