Asawa Ng Namayapang Si Jelyn Pablo May Pakiusap Sa Mga Content Creators!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Naglabas ng isang pakiusap ang asawa ng namayapang online seller na si Jelyn Pablo sa mga content creators na itigil na ang paggawa at pagpapakalat ng video tungkol sa kanyang asawa.


Sa isang Facebook post, pinuna ni John Karlo ‘JK’ Dablo ang ilang content creator na itinampok ang kuwento ng kanyang asawa, na pumanaw pagkatapos ng limang taong pakikipaglaban sa endometrial cancer.


Matatandaan na si JK rin ang nagbalita sa mga netizens sa malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ni Jelyn Pablo. Mabilis itong nag-viral sa social media dahil sa aral na ibinahagi ng online seller bago pumanaw.


Gayunpaman, may ilang mga content creators na ginagawang katuwaan ang nangyari kay Jelyn may mga gumagawa pa ng mga misleading videos tungkol rito.


Kaya naman hindi na nakatiis ang asawa nito at nagbigay ng mensahe sa mga content creators na ito.


“Please STOP making videos of my LATE WIFE. It is all Obvious that all of your intentions are not PURE. Pinagkakakitaan nyo sa VIEWS, like and Subscriptions SA CHANNEL NYO and PAGE."


"We tried to message some of these content creators and guess what, we were told that the video they posted pertaining to my wife was for pure ENTERTAINMENT purposes only!!!”


Ipinunto rin niyang hindi nakakatuwa ang nangyari sa kanilang pamilya at hindi din umano nakakatuwa ang ginawa ng mga ito sa kanilang pagdadalamhati ngayon.


“My family and MY WIFE are not for your entertainment, were not your clowns. Please do not make a living out of our own misery.

Ginagawa nyong kasiyahan Yung kalungkutan namin sa buhay.”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo