Pokwang Nagbigay Ng Babala Isasama sa Demanda Ang Mga Pumuna Sa Kanya!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Nagkasagutan ang komedyanteng si Pokwang at isang netizen sa mismong comment section ng kanyang Instagram post kung saan ibinahagi niya ang kanyang pakikipagkit sa kanyang abogado.


Ipinunto ng netizen na hindi patas ang pagrarant ni Pokwang na walang ambag si Lee sa kanilang kabuhayan dahil base sa ibinahaging mga vlog noon ng komedyante ay makikitang gumagawa naman ito.


Ipinahayag din ng netizen na kaya nagrarant ngayon si Pokwang ay dahil hindi niya matanggap sa sarili na ipinagpalit siya ni Lee sa iba.


Agad naman itong binweltahan ni Pokwang at binalaan na sasampahan ng kaso, lalo pa't expert umano ang kanyang abogado sa paghahanap ng mga online bashers.


Gayunpaman, hindi pa rin umatras ang basher at tinawag pang palengkera si Pokwang. Pinayuhan din niya ang aktres na bawasan ang pagpapahayag ng hateful comments tungkol kay Lee at kontrolin ang temper.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo