Melai Cantiveros At Jason Francisco, Naghiwalay Na?

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely

 
 Usap-usapan ngayon sa social media ang isyung tila hiwalay na umano ang celebrity couple na sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.


Kamakailan lamang ay nagbakasyon si Melai kasama ng kanilang mga anak ni Jayson sa Bohol. Subalit napansin ng kanilang mga tagahanga na hindi nila kasama si Jason.


Nagtataka na rin ang kanilang mga fans dahil hindi na gaanong nagbabahagi ang dalawa ng mga pictures na magkasama.


Ang huling larawan na namataan silang magkasama ay noong kaarawan at first communion ng kanilang panganay na anak. Tila ginagawa na lamang umano ito nila bilang magulang sa bata.


Matatandaan na naging malaman ang mensaheng ibinahagi ni Melai para sa ika-9 na anibersaryo nila ni Jason noong nakaraang taon.


Tila ba nagpapahiwatig ito na may mga pinagdaanan din sila na lingid sa kaalaman ng publiko at media.


Samantala, makikita naman na burado na ang lahat ng mga post ni Jason sa kanyang Instagram account na lalong naging palaisipan sa kanyang mga followers.


Matatandaan na noong 2016, inamin mismo ni Jason na may pinagdadaanan sila nang malink si Melai sa isa mga nakatrabaho nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo