Bagong Boyfriend Ni Claudine Barretto Nagsalita Na! Ano Nga Ba Ang Totoo Sa Kanilang Relasyon?

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


  Usap-usapan ngayon sa iba't-ibang social media platforms ang tila pagpapakilala ng aktres na si Claudine Barretto sa kanyang panibagong boyfriend.


Mukhang nagtatapos na umano ang mahigit sampung taong pag-iisa ni Claudine dahil nakatagpo na umano ito ng lalaking mamahalin.


Ito rin ang itinuturo nilang dahilan kung bakit kakaiba umano ang glow ngayon ng aktres at tila lalo pang gumanda.


Kamakailan lamang ay mismong si Claudine Barretto ang nagbandera sa larawan nilang dalawa sa kanyang social media accounts.


Makikita rin sa mga larawan noong kaarawan ni Chucho Martinez na naroon si Claudine Barretto, tila isang intimate party lamang ang naganap dahil kung mapapansin sa mga larawan na pawang kamag-anak lamang ng lalaki ang naroroon.


Samantala, sa comment section ng post makikita naman ang mensahe ng pasasalamat ni Chucho kay Claudine kalakip ang tila endearment na 'ga'.


Diretsahan naman sila tinanong ng kanilang mga fans kung ano ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Diretsahan namang sagot ni Chucho na mabuting magkaibigan lamang sila ni Claudine.


Sa kabilang banda, si Chucho Martinez ang dating asawa ng socialite model na si Mikaela Lagdameo Martinez at mahigit isang taon pa lamang silang hiwalay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo