Priscilla Meirelles at John Estrada, Nagkabati Na! Priscilla Binawi Ang Mga Hugot!

Biyernes, Abril 14, 2023

/ by Lovely


 Matapos ang ilang linggong panghuhugot at pagbabahagi ni Priscilla Meirelles ng mga cryptic post sa social media tila nagkabati na sila ngayon ng kanyang asawa na si Jogn Estrada.


Kamakailan lamang, nagbahagi ng mga panibagong larawan ang beauty queen kung saan kasama niya ang asawa at anak habang nagbabakasyon sila sa Cebu.


"Everything is better when we are together," caption ni Priscilla sa kanyang post.


Tila binabawi na ni Priscilla ang kanyang mga naging hugot laban sa kanyang mister.


Nilinaw din ni Priscilla na hindi sila nag-away ni John sa kabila ng kanyang mga rants sa social media tungkol sa pangangaliwa.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang natutuwa na nalampasan na ng dalawa ang pagsubok na kinaharap ng kanilang relasyon.


Nauna rito, ibinahagi ni John ang larawan nila ni Priscilla kalakip ang napakasweet na caption.


"The love of my life, my wife, my one and only queen," caption ni John.


Samantala, nitong Eater sunday nagbahagi si John ng tila cryptic post na patama sa lahat.


"There are some people who could hear you speak a thousand words and still not understand you. And there are others who will understand without you even speaking a word."


Dagdag pa ni John sa kanyang caption, "Happy easter to everyone."


Samantala marami naman ang nagdududa sa mga post ng dalawa, subalit payo naman ng ilang mga kolumnista na pabayaan na lamang ang dalawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo