Liza Soberano Naninirahan Na Lamang Sa Isang Room For Rent Sa Amerika!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Nakarating umano kina Manay Cristy Fermin ang balitang nanininirahan na lamang ngayon ang aktres na si Liza Soberano sa isang room for rent sa Amerika.


Isa umano sa mga sources ni Manay Cristy Fermin mula sa Los Angeles ang nakakakita sa aktres.


"Ito po ay nanggaling sa mga kababayan natin sa Amerika lalo na sa LA. Kasi po kilala po ng mga Pilipino si Liza Soberano dahil sumikat naman talaga siya sa pangangalaga ng ABS-CBN at ni Ogie Diaz."


"Ipinarating po sa amin na naninirahan po sa isang room for rent si Liza Soberano sa Korea town. May China town po sa Amerika at mayroong Korea town."


Agad namang nilinaw ni Manay Cristy Fermin na wala namang masama sa desisyon ni Liza Soberano. Gayunpaman hindi pa rin maiiwasan na ikumpara sa kanyang pamumuhay dito sa bansa ang nangyari sa kanya ngayon.


"Hindi naman po krimen kung tayo man po ay umupa ng isang room para sa ating pananatili sa ibang bansa. Kaya lamang po, tulad ng sinabi natin noong una sa pamamagitan ng blind item, 'yung pagkukumpara, nakapanghihinayang talaga."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo