Bullet Jalosjos Aamin Na Kay Boy Abunda Tungkol Sa ‘Eat Bulaga’!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Ipinahayag ni Tito Boy Abunda sa episode ngayon ng Fast Talk with Boy Abunda na bibigyang linaw na ni Bullet Jalosjos ang mga isyung bumalot sa gitna ng kanilang pamilya at sa Eat Bulaga.


Lahat umano ng mga katanungan tungkol sa mga nangyayari ngayon sa show ay sasagutin ni Bullet.


Bukas, April 19, makakapanayam ni Boy Abunda si Bullet sa mismong programa niyang Fast Talk with Boy Abunda kung saan bibigyang linaw niya ang lahat.


“Ang magandang balita para sa atin ay bukas (April 19) dito sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ ay dadalaw po sa atin si Mayor Bullet Jalosjos, na siyang chief finance officer ngayon ng TAPE na siyang nagpo-produce ng ‘Eat Bulaga’.


“Lahat ng ating mga katanungan, hopefully, ang mga tanong ng bayan ay masasagot ni Mayor Jalosjos. Abangan n’yo po ‘yan bukas kung saan magkakaroon ho kami ng conversation,” pagpapahayag ni Boy Abunda.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo