Ina Ni Toni Fowler, Masaya Sa Buhay Ngayon Ng Mga Anak Na Sina Toni at Mama Marie!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Jerome

 


Naantig ang damdamin ng mga followers ng vlogger na si Toni Fowler, matapos na ibahagi nito sa kanyang vlog ang madamdaming pagkikita nilang muli ng kanyang ina na matagal ng nagtatrabaho sa ibang bansa.


Matatandaang sinabi noon ng vlogger na hindi sila naaalagaan ng kanilang ina.


Dahil bata palang silang magkapitid ay nangibang bansa na ang kanilang ina upang doon magtrabaho.


Ayon pa kay Toni na mabibilang lamang daw sa daliri kung ilang beses pa lamang nila nakita sa personal ang kanilang ina, dahil sa bibihera daw itong maka-uwi ng Pilipinas mula ng ito ay umalis upang magtrabaho sa ibang bansa.


Kaya naman nasasabik daw sila na makasama nila itong muli, ngunit nilinaw niya naman na dalawang linggo lamang ito sa Pilipinas.


Dahil babalik din kaagad ito sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang kanyang trabaho doon.


Samantala makikita naman sa ibinahaging vlog na hindi nila mapigilang hindi maging emosyonal ng yakapin na sila ng kanilang ina.


Pahayag ng vlogger na bumuhos daw ang kanyang luha ng may ibinulong ito sa kanya habang ito ay nakayakap.


Sabi niya noong yumakap daw ang kanyang ina sa kanya ay humingi daw ito ng tawad dahil nga daw sa hindi sila nito na alagaan.


Gayun paman hindi parin ito mananatili sa piling nila sa kabila ng maayos na buhay nilang magkapatid ngayon, dahil ayaw daw nitong maging pabigat sa kanila.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo