Cristy Fermin Pinayuhan Ang Production Ng Show Ni Karla Estrada!

Lunes, Abril 3, 2023

/ by Lovely

Nagpahayag ng kanyang saloobin si Manay Cristy Fermin sa pagiging host ni Karla Estrada sa show na Face to Face.


Nauna nang naiulat na muling mapapanood ang show na Face to Face kung saan si Karla Estrada na ang bagong host nito.


Ito rin umano ang naging dahilan kaya ipapatigil na ang show na Tropang LOL.


Samantala, ayon kay Cristy Fermin na baka darating umano ang panahon na magkakaproblema ang production ng show dahil sa paraan ng paghost ni Karla.


"Unang-una, lagi nga po naming naiisip na baka magkaproblema ang Face-to-face kay Carla bilang host. Alam naman po natin yung kanyang ginagawa sa Magandang Buhay na kapagka may pinag-uusapan, kinikopo po niya 'yung oras," saad ni Cristy Fermin.


Kaya naman nagbigay na ng payo si Cristy Fermin sa pamunuan at sa production ng gagawing show.


"Konting higpit ng production, makipag-usap sila kay Karla. Maganda rin naman kasi na ang host ay nakaka-relate sa subject."


"Hindi naman maganda yung walang komunikasyon 'yung host doon sa guest. Dapat meron, nagtutugma sila para may tulay, pero 'wag lang sosobra," pagpapayo ni Cristy Fermin.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo