Kim Chiu, Nagkapasa, Nagkasugat Dahil Sa Kaniyang Birthday Prod Sa Showtime!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Jerome

 


Talagang maraming mga manonood at mga netizens ang humanga sa TV host actress na si Kim Chiu ng mapanood nila ang kanyang birthday Prod sa It's Showtime.


Talagang napakagaling ni chinita princess Kim Chiu bagay na bagay talaga sa kanya ang bansag na Queen of the Dance floor.


Dahil nga di to ay agad na nagtrending ang video na ito ng actress at pumalo sa halos anim na libo na mga Tweets dahil sa kanyang magandang performance.


Pero tila hindi naging madali ang ginawang ito ni Kim, dahil sa hindi ito basta-basta lang magagawa kung hindi ka magfofocus masyado at mag iinsayo ng maigi.


Sa social media account nga ng actress ay ibinahagi niya na nagkaroon siya ng mga pasa sa paa, at kitang-kita nga sa isang larawan na kanyang inapload.


Mayroon din itong kasamang quotes na nagsasabing, "Maybe life isn't about avoiding the bruises. Maybe it's about collecting the scars to proved we showed up for it."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo