Rendon Labador May Mensahe Sa Mga Naiinis at Bumabatikos Sa Kanya!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay ng lesson ang Motivational speaker na si Rendon Labador sa mga taong dumalo sa kanyang Meet and Greet event na naganap sa kanyang resto bar.


Ayon sa kanya, nagiging sikat ang mga influencer ngayon sa social media dahil ipinapakita nila ang kanilang tunay na personalidad, at marami sa kanilang mga followers ang nakaka-relate sa kanila.


Sinabi rin ni Rendon na iba na rin ang takbo ngayon maging sa pagnenegosyo. Hindi na umano umuubra ngayon ang pagiging perfect.


“Karamihan ng mga negosyante ngayon matatanda na, tradisyunal, gusto nila corporate, gusto nila maayos, gusto nila ‘yung wala kang mali, perfect.. Hindi na uubra ‘yun ngayon,” ani Rendon Labador.


Ipinunto pa ni Rendon na ang hinahanap ng mga tao ngayon ay ang pagkakamali sa social media at ang pagpapakatotoo.


“Kailangan ngayon nagkakamali ka, kailangan makita ng tao kung sino ka. Gusto nila ‘yung nadudulas ka, nabubulol ka, bakit kasi hinahanap ng tao at ng market ngayon ‘yung totoo kasi sa social media kasi puro fake na, kapag ginawa mo ‘yung reality ‘yung totoong buhay ang feeling ng nanonood satin kaya ka nilang abutin."


Isiniwalat din ni Rendon ang pagagawa niya ng mga storya upang susundan siya ng mga tao at makakakuha ng atensyon.


“Kaya nga po ang ginagawa ko sa negosyo ay gumagawa ako ng story, para maging organic para ikaw ‘yung susundan ng tao.. Remember, attention, susunod ‘yung sales, ‘susunod ‘yung benta. Kung nasaan ‘yung attention, susunod ‘yung pera, gets mo? Kung sino ‘yung pinakasikat, yun ang babayaran.”


Naniniwala rin si Rendon na ang number one rule sa pagnenegosyo ay ang pahkuha ng atensyon.


“So ang rule dito ay kailangan mo ng attention, attention, attention.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo