Cristy Fermin, Naglabas Ng Saloobin Sa Pagkakaroon Ng Mga Bodyguards Ni Vhong Navarro!

Lunes, Abril 17, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga napag-usapan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang Showbiz Now Na vlog ang pagkuha umano ni Vhong Navarro ng mga bodyguards para sa kanya at sa kanyang pamilya.


Base sa aming nakalap na impormasyon, kinailangan ni Vhong Navarro na kumuha ng mga bodyguards para kanya at sa kanyang pamilya dala pa rin ng mga akusasyon sa kanya ni Deniece Cornejo.


"Kailangan e. kailangan niyang mag-ingat. 'Di ba may nanghula na maaring manalo siya legally pero maaring may mangyari sa kanya sa ibang paraan. 


"Kasi alam mo naman 'pag mahigpitan ang laban, kung hindi mo makuha ang puno pwede kang pumunta sa sanga sa bulaklak, sa sanga, sa mga dahon," pahayag ni Cristy Fermin.


Naiisip rin ni Manay Cristy Fermin ang kakailanganing pera ni Vhong Navarro para sa kanyang mga bodyguards gayung kababalik pa lamang nito sa trabaho.


"Magkano ngayon ang isang personal bodyguard? Meron si Vhong na tatlo, 'yung mga anak niya may tig isa, 'yung kanyang wife. Ay, mahirap,magastos."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo