Karla Estrada Ipinasilip Ang Unang Taping Ng Pagbabalik Sa Ere Ng Face To Face!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Tila labis nang nasasabik ang host na si Karla Estrada sa muling pagbabalik sa ere ng pinag-uusapang show na Face to Face.


Sa kanyang Instagram post ipinasilip niya ang unang taping ng Face to Face kung saan siya na ang bagong host.


“TO GOD BE THE GLORY.πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»And the new journey starts today! See you all on May 1.πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»Tulungan n’yo akong resolbahin ang problema ng ating mga kabarangay!”


“Wag nang palakihin pa! Pag-usapan natin dito sa, FACE 2 FACE!” caption ni Karla sa kanyang post.


Agad namang bumuhos ang pagsuporta kay Karla mula sa mga netizens at kapwa celebrity particular na mula sa kanyang mga kumareng si Ruffa Gutierrez at Vina Morales.


Matatandaan na unang umere ang Face to Face noong 2010 kung saan sina Tiyang Amy at Hans ang host ng show.


Mapapanood ang “Face 2 Face” sa Mayo 1, alas-onse ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes sa TV 5, Cignal Channel, at One PH.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo