Dismayadong Ms. Gay Contestant Kinumprunta Ang Mga Judges Sa Mababang Score!

Linggo, Abril 30, 2023

/ by Lovely


 Mainit na pinag-usapan ngayon sa social media ang video mula sa isang Ms. Gay pageant ng Minabuyok Talavera, Nueva Ecija.


Makikita kasi video na matapang na kinumprunta ng isang contestant ang judge na nagbigay sa kanya ng mababang score na naging dahilan umano kaya 2nd runner up lamang siya.


Inirereklamo niya ang napaka unfair na pagbibigay ng score sa kanya ng isang judge gayung tama naman umano ang kanyang naging sagot.


Ipinupunto rin niya na mas tama ang kanyang sagot kaysa sa nanalo at mas mataas ang posisyon sa kanya. Dahil mali umano ang sinabi nito tungkol sa vices.


“If that judge gave me a 90 or 91%, I should have won the title. Pero yung isang judge po na nagbigay sa akin ng 30%, siya po ang nagbagsak sa akin to be the second-runner up,” pagrereklamo ng contestant.


Nilinaw naman ng nasabing contestant na hindi masama ang kanyang loob sa nanalo at hindi siya galit rito kundi sa judge na bumagsak sa kanya.


“I have nothing against Number 6, mahal ko siya kasi nasa likuran ko siya nagsi-share kami ng insights, but her answer is not actually right. Vices is bisyo, it's not advices,” pagpupunto pa ng contestant.


“Kaya ang sa akin lang naman po, kung magpapa-competition kayo ng ganito, wag kayong nagbabagsak ng candidate ng 30%. Kasi I did my best,” dagdag pa ng contestant.


Sa huling bahagi ng video ipinakita naman ang pagtawag sa nasabing contestant bilang 2nd runner up at pagtanggap nito ng sash, crown trophy at envelope.


Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon at komento mula sa mga netizens.


"i really like the way she speaks kahit na disappointed at nasasaktan na siya still mahinahon magsalita. halatang matalino at mabait"


"ang galing nya magsalita.. Well spoken, deserve nya mag title"


"Magaling talaga yan nakalaban kona yan dati nag1st run ako sya title"


"nakita kona sa personal at napanood kona din siya mag pageant napakagaling niya actually"


May ilang netizens naman ang naghahanap sa Q and A videos ng nasabing mga kandidata.



@ranigenchez Ms. Gay Minabuyok, Talavera, Nueva Ecija #vices #turnedtoadvises #SupposedtobeTitle #NalaglagTo2ndRun #IsangJudgeBinigyanNg30 ♬ original sound - Rani Genchez

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo