Kapalpakan Nina Alden Richards at Xian Lim Inaabangang Sa Miss Universe Philippines!

Huwebes, Abril 13, 2023

/ by Lovely


  Iniintriga ngayon ang dalawang Kapuso actor na sina Xian Lim at Alden Richards sa pagkakakuha sa kanila ng Miss Universe Organization na maging host sa gaganapin na Miss Universe Philippines 2023.


Nagkanya-kanya ng pagpapalabas ng mga achievement ng mga actors ang kani-kanilang mga fans, sa kung sino ang mas may kasanayan at mas magaling sa dalawa.


Ayon sa mga tagahanga ni Xian Lim, mas magaling umano ito sa paghohost ng mga beauty pageant. Isa din umano sa mga advantage nito ay ang pagiging fluent sa pagsasalita ng English at Tagalog.


Hirit naman ng mga fans ni Alden Richards  nakapag-host na umano ang  actor ng international event sa Singapore bago ang Asian Television awards.


Marami na rin itong corporate events na dinaluhan kung saan naging host ito tulad na lamang ng Century Tuna Body competition.


Isa pa sa mga ipinunto ng mga fans ng aktor ang pagiging host nito sa longest running television show na Eat Bulaga.


“Talented silang pareho pero marami pa silang ii-improve pagdating sa hosting.”


“Si Xian, nakakapag-adlib. Si Alden, laging naka-depende sa script.”


“Mas may star power si Alden na nakakapagdagdag ng glitz and glamor sa event.”


“Sino kaya sa dalawa ang unang magba-buckle? Abangan…”




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo