AiAi Delas Alas, Nagbigay Ng Mensahe Sa 9th Year Anniversary Nila Ni Gerald Sibayan!

Huwebes, Abril 13, 2023

/ by Lovely


 Naghatid ng kilig online ang mensahe ng komedyanteng si AiAi para sa 9th anniversary nila ni Gerald Sibayan.


Nitong myerkules, ibinahagi ni AiAi ang isang video ng picture compilation nila ni Gerald kalakip ang sweet message nito para sa mister.


“Happy 9th year anniversary as a couple my darling ko… May our marriage be blessed with love, joy and companionship for all the years that we will be sharing.”


Ipinahayag din niyang hindi siya naniniwala noon sa isang perfect husband, subalit pinatunayan umano ni Gerald na nag-eexist pala ang pagiging perfect.


“I always thought that a perfect husband is a myth, kathang isip lang… sabi-sabi, kwento-kwento kasi dati ang lalaki sakin toxic… aba nag babago pala ang pananaw… totoo pala na may lalaking maayos, may asawang mabait meron palang forever… akala ko bilihan lang damit ang may forever (21).”


Malaki rin ang pasasalamat niya sa kay Gerald dahil hindi lamang ito naging asawa sa kanya kundi naging kaibigan din niya ito. Kasama rin umano niya ito sa ibang tsismisan.


Tila tinawanan din niya ang mga naging basher nila noon dahil umabot na umano sila ng 9 years at going strong pa rin.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo