Jake Zyrus Nainis Sa Mga Nagnanais Na Ibalik At Buhayin Niya Si Charice Pempengco!

Huwebes, Abril 13, 2023

/ by Lovely


 Tila hindi na nakapagtimpi ang singer na si Jake Zyrus sa mga nagsasabing muli siyang bumalik sa pagiging Charice Pempengco o kahit i-restore man lamang niya ang boses ng dating Charice.


Naiinis din siya sa mga taong kinukumpara ang dati niyang boses sa iba pang mga international singers.


Ipinagdidiinan ni Jake Zyrus na hindi na maaring ibalik pa si Charice dahil wala na ito. Ipinahayag din niyang kahit pa gustuhin ng kung sino imposible na itong mangyari dahil nagti-take na siya ng hormones.


“Anong gusto ninyong mangyari? Bubuhayin si Charice? Paano? Scientifically wala. It’s impossible because I’m already taking like hormones because that’s who I am,” pahayag ni Jake Zyrus.


“So anong, like, the f*ck*ng stupid question… Questions na, ‘Oh, can you bring back your voice?’ That’s not possible!


“So, some of you just shut up and listen to your Charice’s songs in your own f*ck*ng time!” galit pang pahayag nito.


Nabubwisit din umano siya sa mga taong hanggang ngayon ay pinagkukumpara pa rin ang dating boses niya bilang si Charice sa iba pang magagaling na singer sa Pilipinas at International.


“To actually compare the old me to some of the greatest singers out there. Hindi lang disrespectful sa akin ‘yon! Disrespectful din sa kanila ‘yon!


“You’re literally comparing these singers to the person that doesn’t even exist anymore! Do you guys even think about that?”


Matatandaan na labis na sumikat si Charice Pempengco dahil sa ganda ng kanyang boses na naging dahilan upang makilala siya sa buong mundo.


Subalit, nagulat ang lahat nang nagrebrand ito bilang si Jake Zyrus. Kasabay nito ay ang pagbabago rin ng boses niya na ikinadismaya ng ilan sa kanyang mga fans.



@charicepempengco29 Jake interview in toni talks #fyp #charicepempengco #jakezyrus ♬ original sound - Charice Vocals ๐Ÿ’› - Charice Vocals๐ŸŒ‹

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo