Barbie Forteza at Jak Roberto Pinagusapan Ng Mga Netizens!

Miyerkules, Abril 5, 2023

/ by Jerome

 


Simpleng "My Home" Ang caption ng actress na si Barbie Forteza sa tatlong larawan nila ng boyfriend niyang si Jak Roberto na ipinost niya sa kanyang Instagram account.


Kasalukuyang magkasma ngayong Holy Week ang magkasintahang Jak Roberto at Barbie Forteza sa Bellevue Resort sa Panglao Bohol.


Makikita sa mga larawan na ibinahagi ng actress sa kanyang social media account na talagang nag-e-enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon.


Malaki ang tiwala ng mga magulang ni Barbie sa boyfriend nito na si Jak Roberto kaya pinayagan nila na magsama sa Bohol ang dalawa.


Sobra din daw kasing na miss nina Barbie at Jak ang isa't-isa dahil matagal din daw ang naging bakasyon ng kapuso actress sa America.


Marami naman ang bumilib kay Barbie sa pag flex niya sa Instagram na si Jak ang kanyang My Home, kahit na click na click ang loveteam nila ni David Licauco.


Kung baka iba daw si Barbie ay baka hindi na ito nagpopost ng mga sweet moment nila ni Jak sa kanyang social media account.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo