Ito Pala Ang Wish Ni Sharon Cuneta Kay Kc Concepcion Sa 38th Birthday Nito!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Jerome

 


Isa sa mga hiling ng Mega Star na si Sharon Cuneta para sa kanyang panganay na anak na si Kc Concepcion ay ang magkaroon na siya ng apo rito. 


Narito ang mga sinabi ni Ogie Diaz na napag usapan nila ni Mega star Sharon Cuneta ang anak nitong si Kc. 


Ito ang lahad ni Ogie sa show niyang Showbiz update nito lamang April 10.


Aniya, "Ang natatandaan ko lang sa sinabi ni Sharon, sana matagpuan ni Kc ang taong talagang magmamahal sa kanya, kung yun man ang boyfriend niya ngayon."


"Mabait naman daw yong lalaki sabi ni Sharon at siyempre yung hiling nga ni Sharon since 38 na si Kc ay sana nga raw magka-apo na siya kay Kc."


Dagdag pa ni Ogie na, "Para kapag magkaanak si Kc, mas maintindihan ni Kc kung gaanu ka protective si Sharon Cunita sa kanya."







Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo