Kaladkaren Nominado Bilang Best Actress in a Supporting Role Sa Summer MMFF 2023!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Talagang ginalingan ng aktres-vlogger na si KaladKaren ang kanyang pagganap sa pelikulang Here Comes The Groom kung saan nakasama niya ang aktor na si Enchong Dee.


Dahil sa ipinamalas na galing ni KaladKaren napansin siya ng mga juror at isa na nga siya sa mga nominado para sa Best Actress in Supporting Role para sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival 2023.


Bagama't hindi pa man siya hinirang bilang Best Actress, very proud na itong ibinahagi ni KaladKaren sa kanyang social media accounts.


“WOW!!!!! Inclusion. This means so much to me!!!! Thank you MMFF for nominating me in this category!” pahayag ni KaladKaren.


Makakalaban niya sa kategorya sina Ana Abad Santos ng “Love You Long Time” at ang kapwa aktres sa pelikulang Here Comes The Groom na si Maris Racal.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo