Gerald Anderson Na-Prank Sa ‘Family Feud Philippines’ Ni Dingdong Dantes!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Naging guest sa kauna-unahang pagkakataon ang Kapamilya actor na Gerald Anderson sa first anniversary ng pinag-uusapang show sa GMA7 na Family Feud Philippines.


Sa episode nitong lunes April 10, 2023, sinimulan ng nasabing show ang kanilang selebrasyon nang maging guest ang ilang stars mula sa pelikulang Unravel.


Kabilang din sa mga guest ang mga bida ng pelikula na sina Gerald Anderson at Kylie Padilla.


Magkatapat sa show ang Team Lucy na pinangungunahan ni Kylie Padilla at ang team na pinangungunahan ni Gerald Anderson na Team Noah.


Samantala ang team ni Gerald ang nakapasok sa jackpot round. Dahil 50 points lamang ang nakuha ng mga kasamahan ni Gerald kailangan ng aktor na makakuha ng 150 points upang makuha ang jackpot price.


Nagulat naman at nawindang si Gerald sa mga katanungan sa kanya ni Dingdong Dantes kabilang na ang mga tanong kung sa isang taon, ilang beses siyang gumamit ng toothpick at kung ano ang average height ng giraffe.


Hindi nakuha ni Gerald ang kanyang 150 points, saka na binisto na isa lamang prank ang set of questions.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo