Face To Face, Sino Ang Mas Bagay Na Host? Si Tyang Amy na Dating Host Nito O Si Karla Estrada?

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


 Marami ang naexcite sa muling pagbabalik ng sikat na show noong 2016 na Face To Face.


Nauna nang naiulat na sa darating na May 1 unang mapapanood ang Face To Face sa TV5 kung saan sina Karla Estrada at Alex Calleja ang magiging host nito.


Samantala, marami ang nagsasabing mas maganda kung ang dating host na si Amy Perez ang magiging host ng show at hindi si Karla Estrada.


Ayaw umano nila sa paraan ng pagho-host ni Karla dahil may kayabangan daw ang aktres tulad ng ginagawa umano nito sa “Magandang Buhay”.


“For me Tyang Amy pa rin ang bagay. Sana sya na lang uli.”


“Sana April Fool’s lang. Mas okay pa din kung ibang host. ‘Yung malakas manggatong.”


“Kung show ni Toni 3months….eto Kaya ilang months???”


“Mas bet ko pa rin si Tyang Amy!”


“Sana si Tyang Amy na lang ulit. Iba pa rin ang OG host ng Face to Face. Puwede naman siguro hiramin si Tyang Amy since may partnership naman ang ABS at TV5.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo