Gladys Reyes Pinersonal Nga Si Awra Briguela Nang Tawaging ‘Batang-Hamog’?

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


Isa sa mga pinag-uusapan ngayong entry ng kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival ay ang pelikulang Here Comes The Groom.


Kabilang sa mga cast ng nasabing pelikula ay sina Gladys Reyes at Awra Briguela. Isa sa pinag-uusapan ngayong eksena ay ang pang-ookray umano ni Gladys kay Awra sa isang ekena.


Kaya naman sa naganap na presscon para sa pelikula, naitanong kay Gladys kung adlib nga lang ba nito ang pang-ookray kay Awra o sadyang nasa script.


“Hindi, ah! Sinusunod ko lang ang script! Nasa script yun! Walang personalan yun, ah, ha, Awra?! Ha-hahahahaha!” pahayag ni Gladys.


Naitanong din si Awra kung na offend ba siya sa pag-ookray ni Gladys, agad naman itong sumagot.


“Mukha ba akong batang hamog ngayon?!”


“Charot! Siyempre po, akting-akting lang. Saka ang saya po talaga namin sa set at ang dami ko pong ipo-post kung gaano kami kasaya sa set ni Ms. Gladys!”


Samantala, isa ang pelikulang, 'Here Come's The Groom' sa mga nangunguna sa movie list ng ilang manonood.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo