Bimby Aquino, Nagbigay Ng Update Sa Kalagayan Ng Kanyang Ina Na Nagpapagamot Pa Rin Sa US!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


 Masayang ibinahagi ni Ogie Diaz sa publiko na umaayos na ang kalagayan ni Kris Aquino na kasalukuyang nasa California, USA kasama ang bunsong anak na si Bimby.


Ibinahagi rin ni Ogie Diaz na nasa Corona, California siya noong isang araw kung saan dumalaw siya sa kaibigan at nagkatawagan sila ng kumareng si Kris Aquino upang magkita subalit dahil maraming medical test na ginawa  rito ay hindi na nito kinaya pa ang pagod.


Gayunpaman, nakipagkita naman umano sa kanya ang bunsong anak ni Kris at ito ang kanyang naka-usap hinggil sa kalagayan ng Queen Of All Media.


“Okay naman.., you know stable and of course still beautiful,” saad ng anak ni Kris.


Tsika pa ni Ogie Diaz, "Tumaas na raw ang timbang ng momshie ni Bimb, “She is now 103 (pounds), yeah 103, stable.” 


“Kahit 80 pounds si Mama, before 80 pounds, she’s still beautiful.  Beautiful mama ever para sa akin,” diin ni Bimby.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo