Muling naging usap-usapan sa social media ang pangalan ng aktres na si Chie Filomeno matapos siyang muling ma-link sa Cebu-based businessman na si Matthew “Matt” Lhuillier — isang miyembro ng kilalang Lhuillier clan. Ang kanilang ugnayan umano ay nagsimulang mabunyag nitong Setyembre, nang maglabas ng post ang controversial internet personality na si Xian Gaza tungkol sa umano’y paghihiwalay nina Chie at Jake Cuenca.
Sa kanyang Facebook post, ipinahayag ni Gaza ang chika na umano’y “naiwan” ni Jake ni Chie para sa isang mayamang negosyante mula Cebu, na walang iba kundi si Matthew. Ani Gaza sa kanyang caption, “Jake Cuenca natagpuang humahagulgol sa loob ng bahay matapos iwan ni Chie Filomeno para sa isang milyonaryong negosyante sa Cebu na si Matt Lhuillier. Atin-atin lang sana ito, huwag nang palakihin.”
Ang naturang pahayag ay agad na kumalat online at naging simula ng maraming spekulasyon tungkol sa tunay na relasyon nina Chie at Matthew.
Ilang araw matapos mag-trending ang balita, may mga lumabas namang isyung pinalayas daw ni Jake Cuenca si Chie mula sa kanyang condo unit matapos umano nitong madiskubre na may ka-date ang aktres sa Cebu — na pinaniniwalaang si Matthew. Wala mang direktang kumpirmasyon mula sa kampo nina Jake o Chie, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga komento mula sa netizens na tila may kanya-kanyang interpretasyon sa isyu.
Sa gitna ng mga intriga, pinili ni Chie na manatiling kalmado at pribado. Sa isang pahayag na inilabas niya sa Instagram, malinaw niyang sinabi na ayaw na niyang palakihin ang isyu.
Aniya, “No further statements will be made at this time. I kindly ask that people refrain from speculation or intrusions into my private affairs.”
Mensahe ito ng aktres sa publiko na sana ay bigyan siya ng kaunting katahimikan at respeto sa mga panahong pinipili niyang manahimik.
Gayunpaman, tila hindi pa natatapos ang kontrobersya dahil lumabas din ang mga ulat na hindi umano tanggap ng pamilya Lhuillier si Chie. Ayon sa ilang ulat na kumalat online, pinasuri umano ng pamilya ang background ni Chie sa pamamagitan ng ilang impormasyong nakuha sa kapwa aktres na si Sofia Andres. Kilala si Sofia bilang malapit sa pamilya Lhuillier dahil ang longtime partner niya na si Daniel Miranda ay kabilang din sa nasabing prominenteng angkan.
Mas lalo pang umingay ang usapin nang maglabas si Sofia Andres ng cryptic post na tila may patama, ayon sa mga netizens. Sa kanyang Instagram story, sinabi ni Sofia:
“Sad how some people copy you, chase your circle, and use you for clout.”
Agad itong inugnay ng mga online users kay Chie Filomeno, na sinasabing posibleng pinapatungkulan ng aktres sa kanyang post.
Habang patuloy na tumitindi ang espekulasyon, nanatiling tikom ang bibig nina Chie, Jake, at Matthew. Gayunman, maraming tagasuporta ni Chie ang nanawagan na tigilan na ang panghuhusga at hayaan siyang mamuhay nang tahimik, lalo’t wala namang konkretong ebidensiya sa mga ibinabatong isyu laban sa kanya. Sa ngayon, nananatili ang katahimikan ng aktres at tila mas pinipiling pagtuunan ng pansin ang kanyang mga proyekto at personal na kapayapaan.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!