Cristy Fermin Isiniwalat Ang Pagbebenta Ni Willie Revillame Ng Mga Ari-Arian!

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Isa sa mga nabanggit nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa kanilang Showbiz Now Na! vlog ang umano'y  pagbibenta ni Willie Revillame sa kanyang mga ari-arian.


Ayon sa pagsisiwalat ni Cristy Fermin, isa sa kanyang mga source ang nakabili sa ibinebentang mamahaling painting ng host.


"Ang una po naming natanggap na kwento mga ka-chika, binibenta na raw po ni Willie Revillame 'yung mga paintings na binili niya ng milyones noon tapos 'yung mga properties," pagsisiwalat ni Cristy Fermin.


Ayon naman kay Cristy Fermin na walang ibang dahilan si Willie sa pagbebenta ng kanyang mga ariarian kundi ang pagnanais na mamuhay na lamang ng simple.


"Merong isang nagkwento sa akin ang gusto daw ni Willie ay isang simple na lamang na buhay. Dumarating din kasi sa tao ang puntong ganun e. Si Willie dahil nasa kanya na ang lahat-lahat, mga materyal na bagay wala na siyang kakailanganin na napakarami." 


"Hawak na niya lahat 'yan, napagdaanan na niya. At siguro nga gusto na niya ng simpleng buhay kasama ang kanyang mga anak at apo," paglalahad ni Cristy Fermin.


Matatandaan na naging usap-usapan noon ang panunumbat ni Willie Revillame sa mga natulungan sa gitna ng isyu ng pagkakatigil ng kanyang show sa ALLTV Network.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo