Paul Soriano, Nagwala Sa Press Conference Para Kay Vanessa Hudgens?

Linggo, Abril 2, 2023

/ by Lovely


 Muling naging laman ng usap-usapan ng mga netizens si Presidential Adviser for Creative Communications Paul Soriano dahil sa kanyang pagtrato sa ilang mga miyembro ng media sa isang press conference para sa Hollywood actress na si Vanessa Hudgens.


Kamakailan lamang ay itinalagang Global Tourism Ambassador ng Pilipinas.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, nagrant umano sa isang presscon ni Vanessa Hudgens si Paul Soriano at pinatigil ng maaga ang event.


Si Christine Jacob ng CNN Philippines ay isa sa mga miyembro ng press na dapat mag-interview kay Hudgens, ngunit nagdesisyon si Soriano na tapusin ang conference.


“Get the press out of here. I don’t need them. They’re so useless. The press can f*ck off," pahayag umano ni Paul Soriano.


Marami naman sa mga press people ang nagulat sa inasta ni Direk Paul Soriano dahil napaka accommodating naman ng pamilya ni Vanessa Hudgens sa mga katanungan ng press.


Samantala ayon sa ilang mga ulat na sadyang tinapos ni Paul Soriano ang press conference upang si Toni Gonzaga lamang ang makakakuha ng exclusive interview kay Vanessa Hudgens.


Hinuha rin ng ilang netizens na hindi natutuwa ang direktor sa press dahil sa kanilang mga ulat laban sa kanyang asawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo