Dahilan Ni Gigi De Lana Sa Pagtigil Muna Sa Pagkanta!

Huwebes, Abril 27, 2023

/ by Lovely


 Inanunsyo ng OPM singer na si Gigi De Lana ang pansamantalang pagtigil sa pagkanta dahil sa kanyang medical conditions.


Ayon sa pagpapahayag ni Gigi De Lana na pansamantalang hindi siya tatanggap ng ilang mga singing projects at magbabakasyon muna matapos ang ma-diagnose na may Throat Nodules.


Ang Throat Nodules, minsan tinatawag ding singer or screamer node. Maaaring mabuo ang throat nodules sa paulit-ulit na paggamit o sa labis na ginagamit ng boses. Ang mga callus like na ito ay nabubuo sa gitna ng vocal cord. 


Maaaring magkaroon ng sinuman ng vocal cord nodules or throat nodules, ngunit pinakakaraniwan ang mga ito sa mga bata, mga guro, trainers at coach, at mga propesyonal na gumagamit ng boses gaya ng mga singers at speakers.


Sa isang concert ni Gigi, malungkot niyang ipinaliwanag ang kanyang kondisyon hinikayat din niya ang audience na sabayan siya sa pag-awit.


“Gusto ko sumabay kayo sa akin, kahit ‘di niyo alam ang kanta, kahit kunwari lang. I just want to hear you sing, because I don’t know if my voice will remain like this forever. Because I was diagnosed already sa throat ko,” pahayag ni Gigi.


Humihingi rin ng dasal ang singer sa kanyang mga fans sa kanyang agarang paggaling.


“So please pray for me. And now magre-rest ako for two months.”


Mary Gidget Orfano dela Llana na mas kilala bilang Gigi De Lana ay isang Filipino singer, performer. Sumikat siya nang husto nang naging contender siya sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime.


Kamakailan lamang ay dismayadong nagrant si Gigi De Lana hinggil sa kapalpakan umano ng airline company. Hindi umano nakarating ang kanilang kagamitan sa pagperform at huli na silang sinabihan ng masamang balita.


Sa kabila nito, ipinagpatuloy parin nina Gigi De Lana ang performance.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo