AlDub Nation Binoycott Ang Eat Bulaga Dahil Pinaghihiwalay Sina Alden at Maine!

Linggo, Abril 9, 2023

/ by Lovely


 Idineklara ng mga miyembro ng AlDub nation na tuluyang talikuran ang Eat Bulaga matapos nilang mapansin na nilalayo sina Alden Richards at Maine Mendoza sa iisang noontime show.


Matatandaang naging isa sa pinakatanyag at matagumpay na love team sa buong bansa ang tambalan nina Alden at Maine. Ang AlDub din ang naging pangunahing dahilan kung bakit tumaas ang rating ng longest running tv-show na Eat Bulaga.


Marami ang nag-iisip na nagiging totohanan na ang relasyon ng dalawa, subalit noong 2019, ginulat ni Maine Mendoza ang lahat ng inaming nakikipagdate siya sa Kapamilya actor na si Arjo Atayde.


Hiniling din ni Maine ang kanyang kalayaan sa tambalan nila ni Alden. Subalit, hindi ito matanggap ng ilang mga Aldub fans at patuloy pa ring ipinag-gigiit na totoo ang ginagawa at lambingan noon ng AlDub.


Samantala, muling nabuhayan ang loob ng Aldub fans ng muling bumalik sa show si Alden ngayong taon. Subalit muli na namang nag-alab ang kanilang damdamin ng magresign si Maine bilang host ng Eat Bulga.


Inaakusahan nila ngayon ang Eat Bulaga na pilit na pinaghihiwalay ang dalawa.


“Tried ko I replay yung part na sinabi ni Joey na mahilig si Alden sa yaya, wala na pala tinanggal na nila so meron pa ring paghihiwalay na nagaganap. Kaya huwag talaga magtiwala sa kanila. Madumili sila maglaro. Be Vigilant.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo