Julia Montes At Alden Richards Magsasama Sa Iisang Pelikula!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely

Kinumpirma ng King of Talk na si Boy Abunda sa kanyang programang Fast Talk with Boy Abunda na may gagawing pelikula sina Julia Montes at Alden Richards.


Nauna rito, kumalat online ang isang broken heart post ng Kapamilya actress na si Julia Montes. Ayon sa mga naunang mga articles, napag-isipan na ang post na ito ay may kinalaman sa Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.


Malinaw na ang nakaraang broken heart post ni Julia ay walang anumang kinalaman sa kanyang personal na buhay.


Sa latest episode ng Fast Talk with Boy Abunda, kinumpirma ni Tito Boy na muling gagawa ng pelikula ang ABS-CBN at GMA7.


“Julia’s okay. She’s happy… Yung April 18 2023, bukas, is a formal or official announcement ng kanyang pelikula kasama si Alden Richards,” pahayag ni Tito Boy Abunda.


Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na naipareha si Alden Richards sa Kapamilya actress. Matatandaan na naging blockbuster hit ang pelikulang pinagbidahan nila ng Kapamilya actress na si Kahryn Bernardo.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo