Camille Garcia Napa-react sa Style ni Karla Estrada Sa Paghohost Ng Face to Face!

Linggo, Abril 23, 2023

/ by Lovely

Isa sa tatlong tagapagpayo ang bumilib sa paghohost ni Karda Estrada sa Face To Face.


Nagbigay ng saloobin ang nagbabalik bilang isa sa mg trio tagapagpayo ng Face To Face na si Dr. Camille Garcia sa paraan ni Karla Estrada sa pagiging host ng isang confrontation show.


Ayon kay Dr. Camille Garcia, katangi-tangi si Karla Estrada at ang pamamaraan nito.


Paglalahad pa nito na si Karla Estrada pa lamang ang kanyang nakikitang host na may lakas ng loob na umawat sa mga nag-iinit na magkabilang kampo.


“First time – nakita ko lahat ng hosts eh – and one thing nakita ko last time nag-taping kami was the fact that Mama Karla was one of the bravest mothers na nakita ko kasi siya lang yung nakita kong umawat,” saad ni Dr. Camille Garcia.


“Hindi pa ako nakakita ng umaawat na host. And I’m so happy na parang nagulat ako umawat talaga siya. Naroon ang tapang talaga. So ‘yon, nakita ko na talagang iba yung host namin,” dagdag pa nito.


Si Dra. Camille Garcia, isang clinical psychologist, ay isa sa mga founding member ng Trio Tagapayo. Siya ang nagbibigay ng mga medical advices. 


Matatandaan na si Tyang Amy Perez ang initial host ng show,  pinalitan siya noon ni Ateng Gelli De Belen pagkatapos niyang manganak.


Bagama't muling pinababalik sa show, mas pinili ni Tiyang Amy na manatili sa ABS-CBN at bigyan ng pagkakataon ang panibagong host na si Karla Estrada.


Samantala, sa pagbibigay saloobin ni Dra. Camille Garcia tila pinapatunayan nitong nababagay si Karla Estrada na maging host ng Face to Face sa kabila ng agam-agam ng ilang mga netizens sa hosting style ni Karla Estrada.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo