AJ Raval Ipinasilip Na Ang Kanilang Baby Dio!

Linggo, Abril 23, 2023

/ by Lovely


 Tila natatapos ang paghihintay ng mga marites kung kailan ipapasilip ni AJ Raval ang sinasabing anak nila ng aktor na si Aljur Abrenica.


Agad na pinagkaguluhan ngayon sa social media ang ibinahaging larawan ng sexy actress na si AJ Raval. Marami ang nag-iisip na ito na ang anak nila ni Aljur.


Sa kanyang Instagram post, ibinahagi niya ang larawan ng isang sanggol na base sa caption ay si Baby Dio.


Nakatag naman sa kanyang post ang nakakatandang kapatid na si Ace Raval at ang influencer na si Chrizia Henson.


Samantala, ayon sa ilang mga netizens na baka hindi naman anak ni AJ Raval ang sanggol kundi sa kapatid nitong si Ace Raval dahil sa pagmention sa kanila ni AJ sa post.


Pinagtibay pa ito ng ilang mga netizens na nagsasabing magkarelasyon sina Chrizia at Ace Raval.


Matatandaan na noong July 2022, pumutok ang bali-balitang pagbubuntis ni AJ Raval na naging dahilan kung bakit nahinto ito sa kanyang showbiz career.


Naiulat pa ito sa ilang malalaking entertainment sites at ng ilang sikat na kolumnista.


Napag-usapan naman sa isang vlog ni Ogie Diaz ang panganganak ni AJ Raval sa isang lying in noong November 2022.


Isa umano sa kanyang mga source ang nakakita kay AJ, nakilala pa niya ang aktres kahit pa nakasuot umano ito ng mask.


Kasama rin umano nila si Aljur Abrenica na naghihintay sa labas ng room.


Sa kabila ng lahat ng haka-hakang kumalat nananatili namang nanahimik si AJ at hindi kinumpirma o deneny ang isyu.


Noon paman ay binabatikos na si AJ Raval lalo na ng mga fans ng aktres ng si Kylie Padilla dahil siya ang itinuturong dahilan ng pagkasira ng pagsasama nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo