Boy Abunda Nilinaw Na Ang Isyung Siya Ang Dahilan Kung Bakit Nagwala Si Paul Soriano Sa Presscon Ni Vanessa Hudgens!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely


 Sa latest episode ng Fast Talk With Boy Abunda, nilinaw na ni Tito Boy ang kumakalat na isyung siya ang naging dahilan ng pagwawala umano ni Paul Soriano sa naganap na presscon ng Fil-Am actress na si Vanessa Hudgens.


Ayon sa kumakalat na balita, nainis umano si Direk Paul Soriano kay Boy Abunda sa pagsingit nito ng Fast Talk sa panayam niya kay Vanessa kahit wala naman ito sa script. Naoffend umano ang actress sa ginawa ni Boy Abunda.


Dahil dito biglaan na lamang ipinatigil ni Direk Paul Soriano ang presscon at pinalayas ang mga press people.


Ayon kay Boy Abunda, talagang wala sa script ang pagsisingit niya ng Fast Talk sa huling bahagi ng panayam niya kay Vanessa.


Nang papatapos na umano ang panayam, may humirit na ifast talk umano niya si Vanessa, agad naman umano siyang tinanong ni Vanessa kung ano ang Fast Talk at ipinaliwanag naman umano niya ng maayos sa aktres ang proseso nito.


Itinuloy na umano niya ito hanggang sa makarating siya sa mga “sexy question”. Pero wala raw indikasyon na na-offend si Vanessa sa mga tanong niya at sa halip ay nag-enjoy pa nga raw ito dahil matapos nito’y sinabihan pa raw siya ng huli na “Boy I love your energy.”


Samantala, nilinaw din ni Boy Abunda na maayos naman sila ni Direk Paul Soriano. Ipinahayag pa ni Boy na walang isyu kay Direk ang Fast Talk.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo