Reaksyon Ni Boy Abunda Sa Pagkairita Ni Direk Paul Soriano Sa Interview Niya Kay Vanessa Hudgens!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Jerome

 


Binigyang linaw ni Boy Abunda ang balitang kinairita umano ni Direk Paul Soriano ang Fast Talk niya sa Holywood star na si Vanessa Hudgens.


Dahil sa wala na daw umano ito sa script at ikina-offend daw ito ng Phil-Am aktres.


Ito daw umano ang dahilan kung bakit ipinatigil ni direk Paul ang one on one interview ng ilang media outlet sa HolyWood star na si Vanessa Hudgens.


Sa ginanap na presscon noong March 31, si Boy Abunda ang ginawang host na mag-iinterview kay Vanessa sa stage.


Kung saan sa kanilang pag-uusap ay naisingit ni Boy ang kanyang programang Fast Talk.


Pinaliwanag ni Boy ang issue na ito, at binigyang linaw niya nga ngayong araw April 11.


Inamin nga niya na hindi nga parte ng presscon ang ginawa niyang Fast Talk sa Holywood actress na si Vanessa.


Paliwanag niya na patapos na daw sana ang interview ng may sumigaw sa kanya na, "Tito Boy, tito Boy Fast Talk" at may mga sumabay narin daw.


Kaya naman napatanong daw si Vanessa kung ano daw ang Fast Talk.


Dito nga ay ipinaliwanag niya kung ano ito at itinuloy nalang daw niya ito hanggang sa makarating siya sa mga sexy questions.


Pero wala naman daw pagpapahiwatig na na-offend si Vanessa sa mga itinanong niya at sa halip ay nag-e-enjoy pa nga daw ito.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo