Mark Bautista Nagsisisi Nga Ba Sa Pag-Amin Na Isang Bisexual?

Martes, Abril 11, 2023

/ by Lovely

Sinagot ng singer na si Mark Bautista ang isyung nagsisisi umano siya sa kanyang pagsisiwalat sa totoon niyang pagkatao dahil labis itong nakaapekto sa kanyang showbiz career.


Matatandaan na sa inilabas na libro ni Mark na pinamagatang 'Beyond The Mark', isiniwalat niya ang pagkakaroon ng intimate relationship sa pagitan nila ng isang kaibigan.


Matapos daw ng dalawang pagkakataon ng kanilang pagiging 'intimate', ay nangako sila na iiwasan na itong maulit hanggang sa malasing sila isang gabi, at ang masaklap pa ay nahuli sila ng girlfriend ng kanyang kaibigan.


Samantala, sa kamakailang guesting ni Mark Bautista sa programa ni Boy Abunda naitanong ng King Of Talk kung may pagsisisi nga ba siya sa pagsisiwalat niya sa totoong nangyari sa pamamagitan ng libro.


Ayon kay Mark, wala raw siyang regret at nagkakaroon pa rin naman daw siya ng mga show in terms of music subalit pagdating sa kanyang acting career ay nagkaroon na ng limitation sa ibinibigay na offer sa kanya.


Marami naman umano siyang natatanggap na offer na gumawa ng mga BL series subalit hindi pumayag ang Viva.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo