Anne Curtis Maagang Pinag-Init Ang Summer Sa Alindog at Kaseksihan Niya Sa Beach!

Martes, Abril 11, 2023

/ by Jerome

 


Kapapasok palang ng buwan ng April ay agad ng pinainit ng actress at host ng noontime show na It's Showtime na si Anne Curtis ang summer.


Ito ay matapos niyang ipakita ang kanyang kasikseksehan at ang kanyang alindog matapos niyang magbakasyon sa Thailand kasama ang kanyang pamilya.


Ayon naman sa mga netizens ay bagama't 38 years old na itong si Anne Curtis ay Diyosa at isang hot mom parin ang datingan nito.


Dahil sa mahabang panahon na nakalipas ay napangalagaan parin niya ang kanyang magandang panganagatawan.


Samantala ay makikitang enjoy na enjoy naman talaga ang kanilang anak sa naging bakasyon nila sa Thailand.


Makikita din sa mga larawan na ibinahagi ng actress na sumakay pa silang mag-ama sa isang kakaibang tricycle sa Thailand habang namamasyal.


Masayang namasyal din ang actress na si Anne Curtis at ang kanyang anak na naglalakad sa dalampasigan habang namumulot ng mga sea shells.


Nararapat nga lang kay Anne Curtis ang bakasyong ito dahil sa isa siya sa mga celebrity na pinakahard working sa industriya.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo