Angelica Panganiban Nag Shopping Ng Mga Damit Ni Baby Amila, Gregg Homan Napa Luha!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Jerome

 


Ibinahagi ng actress na si Angelica Panganiban sa kanyang social media account ang pamimili nila ng mga damit ng kanilang anak na si baby Amila.


Naging kwela ang pamimiling ito ng actress, dahil na pa dami ang paghakot niya ng mga damit para sa kanyang baby Amila.


Tila napaluha pa daw ang asawa nitong si Greg Homan sa dami ng mga damit na binili ng actress.


Makikita nga sa kanyang ibinahaging video, ang dami ng kanyang pinamiling dapit para sa anak. 


Ayon kasi sa kanya ay mabilis daw kasi na lumaki, itong si baby Amila.


Ngayong buwan nga ay 7th months old na si baby Amila kaya hindi na kasya ang mga damit nito.


Talaga daw na napakabilis ng panahon, dahil ngayon daw ay marunong ng kumain si baby Amila ng mag-isa ng mga matitigas na mga pagkain.


Samantala nitong nakaraang araw lang ay binisita ni Melai Cantiveros ang anak ng kanyang kaibigang si Angelica Panganiban.


Sabi nga ni Melai sa kanyang caption, "Hay salmaat nakita kona narin live na live ang "Homans Family " totoong Humans tlaga sila ang gagamdang humans 🥰 nice seeing you Twinny One @iamangelicap may xerox copy ka narin sa wakas twinny ❤️ hello sir @gregg_homan and Baby Amila , and Thank you Mam Cris @cristapang10 sa pics and Video." 🥰🥰🥰🥰


Nagbahagi din si Angelica ng bagong larawan nila ng kanyang baby na si baby Amila, na nakahiga silang dalawa at cute na natutulog si baby Amila sa braso ng kanyang inang si Angelica.


Caption naman niya sa kanyang post, "I love being your mama 🫶"


Umani naman agad ito ng maraming reaction at komento mula sa mga netizen, na mayroon pa ngang nagsasabi na mas lalo pa raw gumanda si Angelica ngayong naging nanay na ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo