Fil-Am Singer Na Nai-feature Ni Vice Ganda Sa Kanyang Concert Nagrereklamo!

Miyerkules, Abril 26, 2023

/ by Lovely


 Inirereklamo ngayon ng Fil-Am singer na si Garth Garcia ang assistant ng Unkabogable Star na si Vice Ganda, dahil minaltrato umano si nito.


Si Garth Garcia ay nai-feature ni Vice Ganda sa kanyang mga naging concert sa Amerika at Canada kamakailan lamang.


Nag-enjoy naman ang mga fans ni Vice Ganda sa mga performances ni Garth Garcia kasama si Vice sa concerts ng huli.


Bagama't nagkaroon ng hindi inaasahang insidente sa concert ni Vice Ganda sa Edmonton, Canada dahil sa dalawang fans na nanghila sa kanyang wig.


Kaagad naman itong naayos ni Vice Ganda at nakapagbigay pa rin ng saya sa mga fans at audience.


Kasama naman ni Vice Ganda sa kanyang mga concert sa States sina Darren Espanto at Garth Garcia.


Sa kabilang banda, agad namang inalmahan ni Garth Garcia ang kumakalat na balitang nakasama lamang umano siya roon sa concert ni Vice Ganda upang magbenta ng mga concert tickets.


Pinabulaanan niya ang balitang ito at ipinagdidiinan na naroon siya sa concert ni Vice Ganda bilang special guest at hindi front act, na siyang tagapagbenta ng mga tickets.


“Kapag igine-guest nila ako, hindi na ako nagpapa-tag na front act. Sa concert ni Vice, special guest ako, kaya I was there as a special guest, not a front act. That’s the reason kaya kinukuha ang mga local artist bilang front act, pagbebentahin sila ng tickets,” pagpapaliwanag pa ni Garth Garcia.


Dagdag pa nito na kinuha siya ng mga producers para makasama si Vice Ganda sa concert dahil alam umano ng mga ito na hahakot din siya ng audience.


Ipinahayag din niya na may natanggap siyang talent fee at may percentage sa ticket sales.


Samantala, isiniwalat naman ni Garth Garcia ang ilan sa mga bagay na napansin niya sa concert ni Vice Ganda.


Ayon kay Garth na napansin niyang walang alloted dressing room para sa mga front acts. Kaya nakakalat lamang umano ang mga gamit ng mga ito sa dining area.


Ibinunyag pa ni Garth na pinagtaasan sila ng boses ng assistant ni Vice Ganda nang makita ang nakakalat nilang gamit sa dining area.


“Sinita kami ng tauhan ni Vice. Sinabihan kami na, ‘Bakit nandito ang mga gamit niyo? Tanggalin niyo dito. Bakit kayo dito tumatambay? Kakain na yung mga dancer!’” pahayag ng assistant ni Vice Ganda na pasigaw.


Pakiramdam umano ni Garth Garcia na hindi sila nito ginagalang at nirerespeto. Hindi rin umano sila nito pinapansin at ipinaramdam lamang sa kanila na naroon lamang sila para magbenta ng tickets.


Hindi pa umano roon natatapos ang pangmamaltrato sa kanila ng assistant ni Vice Ganda.


Sa isang selebrasyon matapos ang concert, tinawag sila ng kanyang kaibigan na isang front artist ng isang production staff member ng Starmedia para sumali sa selebrasyon. Subalit nang makita umano sila ng tauhan ni Vice Ganda ay kaagad silang pinaalis.


“Nung nakita kami ng personal assistant ni Vice, sinabihan kami ng ‘Alis! Alis! Alis kayo dito!’ Pasigaw, pataray. Maybe she’s thinking na baka magpa-picture kami kay Vice.”


Sa kabila ng masamang karanasan, nilinaw ni Garth na wala siyang anumang hinanakit kay Vice Ganda dahil ang assistant naman nito ang nang maltrato sa kanila.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo