Amy Perez, Nagsalita Na Sa Dahilan Kung Bakit Hindi Na Siya Ang Host Ng ‘Face to Face’!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


 Naging malaking usapin ang muling pagpapalabas ng TV5 sa pinag-uusapang show na Face to Face.


Subalit naging malaking katanungan sa mga netizens kung bakit si Karla Estrada at Alex Calleja na ang bagong host nito at hindi na ang dating host na si Amy Perez.


Kaya sa isang panayam sinagot na ni Tyang Amy ang isyu. Ayon kay Amy unang inalok sa kanya ang pagiging host muli ng Face To Face pero hindi niya ito tinanggap.


“Hindi naman sa ayaw. Nakakahiya lang sa ABS-CBN kasi if aalis ako, kasi never naman ako nawalan ng show kahit nagkaroon ng pandemic at nawalan kami ng franchise,” pahayag ni Amy.


Naniniwala rin umano si Amy na panahon na upang ibigay naman sa iba ang pagiging host ng show. Isa pa hindi na rin umano niya alam kung kakayanin pa ba niya ang pagiging host ngayon wala na si Hans.


Si Hans Mortel ang naging co-host ni Amy Perez sa Face to Face na pumanaw na noong 2021.


“And since nagawa ko na ang Face to Face, baka it’s time para iba naman ang gumawa at baka may offer sila na ibang flavor. Saka wala na rin si Hans. Baka hindi ko na makaya without him.” 




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo