Rendon Labador Na Wow Mali, Basta Makapagrant Lang Kay Coco Martin!

Martes, Abril 4, 2023

/ by Lovely


 Tila nagkaroon ng malaking pagkakamali si Rendon Labador sa pagpapansin niya sa FPJ's Ang Batang Quiapo actor-director na si Coco Martin.


Sa kanyang ibinahaging Facebook post na burado na ngayon, sinabi ni Rendon Labador ang isang video ng taping na kuha umano sa Quiapo at gumawa ng mensahe laban kay Martin, kung saan muling ipinahayag ni Rendon ang pagiging storbo ni Coco Martin sa mga vendors sa Quiapo.


“STORBO SA QUIAPO!!!! Dito ako nasasaktan kapag apektado sila. Kahit pagtulungan ninyo akong lahat, ipaglalaban ko parin ang alam kong tama!” saad ni Rendon Labador.


“Coco Martin, huwag kang mag t*nga t*ng*han.. Maaring madaming blessings sayo pero sana may puso ka para sa mga maliit nating negosyante na apektado sa ginagawa mo. UMALIS KA NA SA QUIAPO at humanap ng sarili mong STUDIO para hindi ka nakaka storbo sa paghahanap buhay nila,” dagdag pa nito.


Subalit, nabuking ng mga netizens na hindi naman taping ng Ang Batang Quiapo ang ipinakita ni Rendon kundi taping ng GMA series na Mga Lihim ni Urduja.


Patunay nito ay ang pagkakahagip ni Kylie Padilla sa naturang larawan.


“The design is very urduja. mema talaga to si rendon no di naman yan batang quiapo e, mema say ka nalang talaga,” pagpupunto ng isang netizens.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo